124

By

Mitch wagi ng P2M sa ‘Miss Q&A’

Si Mitch Montecarlo Suansane ang itinanghal na ikalawang kampeon sa “Miss Q&A” segment ng “It’s Showtime” sa ginanap na finals sa Smart Araneta Coliseum nitong Sabado.

Kabilang sa napanalunan ni Mitch ang mga premyo gaya ng P2 milyon cash, brand new car at all-expenses paid trip sa South Korea.

Tinalo ni Mitch sa karangalan sina Czedy Rodriguez at Chad Kinis Lustre-Reid, na tumapos na first at second runner-up, respectively.

Ang naturang segment umano ay para sa mga transgender comedian nationwide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?