191

By

Misyon ni Clarkson, supalpalin ang miron

Sharing is caring!

Kinutya, pinagtawanan at naging laman ng negatibong usapan ang Fil-Am guard na si Jordan Clarkson nang mag-‘missing in action’ ito sa buong playoff series ng Cleveland Cavaliers noong nakaraang season.

Ngunit ngayong sadlak ang kanyang koponan sa pag-aalsa balutan ni superstar LeBron James, handa siyang patunayan na siya’y may ibubuga pa.

Gugulatin umano ng Cleveland Cavaliers ang mga koponang makakaharap sa paparating na NBA season at handa silang patahimikin ang mga basher na nagdududa sa kanilang kakayahan.

“I feel like we’re going to shock a lot of people this year just because LeBron left,” mariing pahayag ni Clarkson sa Cleveland.com. “I feel great about the team, coaching staff. They got a lot of belief in guys, so I’m just ready to strap it up and get ready for the season now.”

Ngunit upang ‘yan ay mangyari, kailangan nitong ibalik ang dating tikada sa loob ng court na dumausdos sa 4.7 points at 0.7 assists average bawat laro sa masagwang 30.1 percent shooting noong post season, malayong-malayo sa 13.9 points sa 43 percent clip noong regular games habang nasa Los Angeles Lakers pa siya.

Kaya naman ngayon pa lang ay nagsasanay na ang 26-year upang muling maibalik ang dating angas.

“I got a new strength guy out in L.A. that I’ve been working with. He’s got me on a diet and stuff like that, so I’ve been focusing in the weight room so I can be ready for those times and keep prolonging myself so I can stay at a high level,” bulalas niya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?