36
Depensa hihigpitan ng Team PH – Garcia
Aug 2, 2019 @ 13:12
By

Misyon ni Caloy: Turnover pagpagin pa sa Game 4

Pinagliyab ni Chris McCullough ang basket ng Smart Araneta Coliseum sa sinalansan na 51 points, Miyerkoles ng gabi, ngunit nakapwersa pa rin ang Rain or Shine ng Game 4.

Dumating ang kanyang PBA career-high mula sa 18 of 32 shooting, 12 of 16 sa stripe. Naglista siya ng 24 points sa second quarter nang ibalik ang San Miguel Beer mula 37-19 deficit para itabla sa 54-54 sa break.

Pagkatapos ng three quarters, may 40 na si McCullough.

Pero kinapos ang Beer, ‘di nakumpleto ang three-game sweep sa Commissioner’s Cup semis nang yumuko sa Rain or Shine 112-104. Susubukang tapusin ng SMB ang series ngayon sa Game 4 sa Big Dome rin.

“It’s a good win because the import scored 51 and still we were able to win,” ani Elasto Painters coach Caloy Garcia.

Napabayaan ng Painters si McCullough, pero napigilan sina Chris Ross at June Mar Fajardo. Sa 117-105 win ng SMB sa Game 2 nang umahon mula 29-point hole, pasabog si Ross ng career-high 34 points mula 10 3s. may 14 points at 15 rebounds doon si Fajardo.

“June Mar we were able to contain. But I guess, if we were to choose somebody, and today Ross only had two three-point shots. We can’t really leave him wide-open,” dagdag ni Garcia.

Hirap daw sumabay ng Rain or Shine dahil kahit sino ang bunutin ni coach Leo Austria sa kabila ay malakas pa rin.

“They can shoot, they can attack, they’re all talented,” bulalas ni Garcia. “They’re big. We’re a small team compared to them.”

Isa sa ipinagdiinan ng coach ang turnovers ng Painters na kailangang limitahan.

“Kasi, when we led by 18, turnovers na naman ang naging problema namin,” aniya hinggil sa 15 miscues na sa halftime lang. “15 of 18 turnovers halftime and I told them that’s good enough for one whole game, and it’s only halftime. But the positive there was, the score was tied. Sabi ko nga sa kanila, imagine how good we are if we’d only take care of the ball.”

Mula roon, dalawang turnovers na lang ang nilista ng Painters.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?