69

Dec 16, 2019 @ 21:34
By

Misuari tutulong sa gobyerno sa pagdurog sa Abu Sayyaf

Itinalaga ni Pangulong Rodrigo Duterte si Moro National Liberation Front founding chairman Nur Misuari bilang Special Economic Envoy on Islamic Affairs sa Organization of Islamic Cooperation.

Inanunsyo ng Pangulo ang appointment ni Misuari sa unang meeting ng government-MNLF peace coordinating committee noong Biyernes.

Paliwanag ni Pangulong Duterte, ang pagkakatalaga kay Misuari ay magpapabilis sa implementasyon ng peace agreements sa pagitan ng gobyerno at Moro fronts.

Nangako naman si Misuari na tutulungan ang militar laban sa Abu Sayyaf Group.

“There is no place for them to go. We can assure the President that the MNLF will fully support the resolution of this problem. Try us on how effective we are,” saad ni Misuari sa statement na inilabas ng Office of the Presidential Adviser on the Peace Process.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?