559

Mar 10, 2018 @ 19:11

Mister sinaksak ang sarili, misis unang pinatay

Patay ang isang misis matapos saksakin ng mister na buryong na umano sa buhay dahil sa sakit.

Kinilala ang biktima na si Lilibeth Maestre, habang ang mister naman na si Boyet Maestre ay namatay din matapos saksakin ang sarili.

Ayon sa Enrile, Cagayan PNP, humingi na ng saklolo ang mga kapitbahay ng mag-asawa dahil sa matinding pag-aaway ng mga ito at walang humpay na pag-iyak ng dalawang taon gulang na anak.

Sinabi ni PC/Insp. Edwin Aragon, pagdating nila sa bahay ay patay na ang mag-asawa na kapwa may tama ng saksak sa dibdib.

Nabatid na dating nagtatrabaho sa Taiwan ang suspek ngunit kinailangan umuwi dahil sa sakit.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?