44
teo
By

Mister ni Tourism Sec. Teo, nananatiling opisyal ng TIEZA

Sharing is caring!

Opisyal pa rin ng Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA) si Roberto Teo, asawa ni Tourism Secretary Wanda Tulfo-Teo.

Taliwas ito sa sinabi ni Special Assistant to the President Bong Go.

Sinabi ni TIEZA Chief Operating Officer Pocholo Paragas na nananatiling director nila si Teo dahil ito ang namumuno sa kanilang audit committee.

Bukod pa rito, si Teo ay ex-officio member din ng committees of infrastructure, finance, human resources, toursim enterprises zone and governance.

Bunga nito, bahagi siya ng lahat ng komite ng ahensiya.

Ang TIEZA ay nasa ilalim ng pangangasiwa ng Department of Tourism.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?