2,031

By

Mister ni Inday Sara idinawit na rin ni ‘Bikoy’ sa droga

May bagong video na inilabas si alyas “Bikoy”, na dating miyembro umano ng sindikato.

Sa pagkakataong ito, ang asawa naman ni Davao City Mayor Sara Duterte ang kinaladkad nito sa illegal drug trade, na ikaapat umanong miyembro ng sindikato.

Sa Episode 4 ng “Ang Totoong Narco List” na inilabas nitong Abril 13, sinabi ni Bikoy na tumanggap ng bayad mula sa sindikato ng droga si Manases Carpio.

Gumamit umano ito ng codename na JENNABAY-TSG003 sa “tara”.

Apat umano ang accounts nito sa iba’t ibang rural banks.

Sa deposit summary makikita umano ang account names ng apat na account na “carpiomanases” mismo ang nakasulat.

Ipinakita rin nito ang nire-remit sa international bank accounts umano ni Carpio simula 2010 na umabot sa P1.180 bilyong payoffs.

Nauna nang idinawit sa kalakaran ng droga sa mga nakalipas na episodes ng “Ang Totoong Narco List” si dating Davao City vice mayor Paolo Duterte, kapatid na si Veronica at dating Special Assistant to the President Bong Go.

Sabi pa ni “Bikoy”, sa susunod na episode ay ikukuwento naman niya ang iba pang miyembro at kabuuan ng organizational structure at operations ng drug syndicate.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?