627

Dec 26, 2017 @ 15:54
By

Mister ni Anne, tiklop kay Raymond Gutierrez

Talong-talo na ni Raymond Gutierrez ang kakambal nyang si Richard Gutierrez kung ang basehan ay sa pagandahan lang ng katawan o pa-bortahan (ibig sabihin, pa-machohan).

Makikita ito sa mga photo postings ni Raymond sa kanyang Instagram account mula pa nang magsimula nang mga unang buwan nang taon hanggang sa kasalukuyan.

Maging ang certified gym-bud na si Erwan Heussaff na kapatid ni Solenn at mister ni Anne Curtis ay yumuyuko sa pagkilala sa dedikasyon ni Raymond para ma-achieved nito ang sinasabing chiseled body.

Nagposte si Erwan sa IG wall nya nang larawan nila ni Raymond na topless habang nasa swimming pool.

Kung tutuusin maganda na ang pangangatawan ni Erwan dahil sa dalas nitong mag-work out kahit ang trabaho nito ay magluto at kumain.

Sa photo nila ni Raymond walang dudang talbog siya sa ganda nang katawan nang celebrity host.

Bukod sa matangkad na si Raymond nasa tamang lokasyon ang kanyang mga masel dahilan para purihin at ibigay ang credit sa ginawang disiplina nang huli.

@erwan, “proud of this dude @mond not only can he keep up but he can actually now push the pace. He is also more disciplined with his diet than I am!! Focus, dedication, self, awareness and hard work. Apply that to fitness and to life. Find ways it make it happen for yourself. @018 fittest year yet, Repping the main man @arnoldninion.”
Dating mataba si Raymond na naging hunk matapos itong sumailalim sa halos kalahating taong fitness program para makuha ang ninanais nitong pangangatawan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?