489

Oct 10, 2021 @ 20:58
By

Mister ni Alex Gonzaga rumesbak sa tsismis ni Lolit

Dismayado si Lipa City Councilor Mikee Morada sa ibinuking na balita ni Lolit Solis na nakunan daw ang asawa niya na si Alex Gonzaga.

Nitong Sabado ay ibinahagi ni Lolit sa kanyang IG post ang balitang nakunan daw si Alex.

“Naawa naman ako sa balita na nakunan daw si Alex Gonzaga. Kasi nga worried na worried ang mga followers niya at gusto malaman ang tutoong nangyari pero may nagsabi na sa vlog na lang daw ni Alex o Toni Gonzaga hintayin,” saad ni Lolit. “Para bang ginawa ng business pati malungkot na balita. Siyempre para sa sinuman babae very sad na mawala ang baby mo, lalo at first baby nilang mag-asawa.”

Bagamat tinapos ni Lolit ang post sa mensahe ng pakikiramay at pagcheer-up sa mag-asawa, ‘di ito nagustuhan ni Mikee.

“Hindi lang patungkol kay Alex ang inyong sinulat, tungkol ito sa amin mag-asawa,” wika ni Mikee.

“Kaya hinihingi ko ang inyong pag-respeto. Huwag po kayong gumawa ng kwento sa ganitong klaseng sitwasyon lalo’t hindi niyo naman alam ang totoong pangyayari. Salamat.”

Nitong taon lamang kumalat ang ulat ng pagbubuntis umano ni Alex, na ikinasal kay Mikee noong nakaraang taon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?