25

Oct 5, 2021 @ 20:06
By

Mister ni Alex Gonzaga hirit pa sa pagka-konsehal

Target ng asawa ni Alex Gonzaga na si Mikee Morada ang reelection sa Lipa City, Batangas.

Naghain na si Mikee ng certificate of candidacy (COC) nitong Martes sa pagtakbo uling konsehal ng Lipa City.

Sa Facebook ibinahagi ni Alex ang larawan habang hawak ni Mikee ang kanyang COC.

“I am 100% proud and with you all the way my husband!!! Alam ko puso mo to serve and be selfless! Pasensya na asa work din ako di kita nasamahan. Love you my konsi Mikee Morada,” sambit ni Alex.

Noong Halalan 2019 nangibabaw sa mga konsehal sa Lipa si Mikee.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?