302

Jan 3, 2018 @ 14:47
By

Mister ni Ai Ai, mahilig sa matanda

Walang dudang mahal ni Gerald Sibayan si Ai Ai delas Alas at mahilig siya sa mga matatanda.

Isang pruweba ay ang caption ni Ai Ai sa group photos nila at ka-tennis player ng asawa, na pinoste niya sa kanyang Instagram wall.

Nagposte si Ai Ai ng photo nila ni Gerald kasama ang mga kalaro nito sa tennis na residente ng buong village na tinitirhan nilang mag-asawa ngayon.

Kay Ai Ai na mismo nanggaling na mahilig sa matanda ang kanyang asawa dahil sa mga kalaro nito na pawang mga matatanda na.

@msaiaidelasalas, “Mga ka-tennis ni darl sa village namin… niloloko ko siya… ano ba yan darl matanda na asawa mo matured pa rin friends mo (o ayan matured ginamit kong term hehehe) #tennistournament.”

Sa badminton unang nagkakilala sina Ai Ai at Gerald nang magkita sila sa isang badminton game kung saan pawang mga players pa lang noon ang dalawa.

Mula dito, umusbong ang pagiging magkaibigan ng dalawa hanggang sa humantong sa romansa at nagdesisyong magpakasal.

Nabago ng pagmamahal ang pananaw nito sa buhay. Kung noon puro mga kaedad niya ang kasa-kasama nito sa paglalaro, ngayon puro mga halos kaedad (o lagpas pa) ng kanyang misis ang nakakalaro nito. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?