5,133
sex
By

Mister nahuli sa aktong magkapatong ang misis, kalaguyo

Nanghina na lamang ang isang mister makaraang maaktuhang magkapatong ang kanyang misis at kalaguyo nito na nagtatalik sa mismong bahay nila sa Echague, Isabela kahapon.

Ayon sa Echague Police Station (EPS), sinabi ng mister na tinago sa pangalang “Nardo,” naisipan niyang maghanap ng kutsilyo sa kanilang kusina, ngunit walang makita kaya kinuha niya ang kaserola at kaldero na pinanghampas sa misis at kalaguyo nito na parehong hubo’t hubad sa loob ng kuwarto.

Matapos ito, lumabas si Nardo at nagsisigaw sa labas ng kanilang bahay, sanhi para maglabasan ang kanilang mga kapitbahay at nalaman ang sikreto ng kanyang misis at kabit.

Sinabi ng EPS, unang nagsumbong ang mister sa kanilang barangay captain, at dinala sa himpilan ng pulisya ang magkalaguyo.

Ayon kay Nardo, matagal na aniyang usap-usapan sa kanilang barangay ang ginagawang pangangaliwa ng kanyang misis, ngunit hindi niya pinaniwalaan hanggang sa naaktuhan mismo ito.

Nahuli ng mister ang panloloko ng misis makaraang bumalik sa kanilang bahay nang may makalimutang dalhin at dito na nakita ang mainit na tagpong ginagawa ng dalawa.

Dinala sa EPS ang misis at kalaguyo nito, at nakahandang magsampa ng kaso si Nardo laban sa kanila.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?