288

Dec 21, 2017 @ 17:37
By

Mister nagbaril sa bahay ng ex-wife

Nagbaril sa sarili ang 49-anyos na lalaki sa tirahan ng kanyang humiwalay na misis matapos na mag-away ang dalawa sa Barangay Talipapa, Quezon City, nitong Miyerkules ng gabi.

Kinilala ni Supt. Rodelio B. Marcelo, hepe ng Criminal Investigation and Detection Unit ng Quezon City Police District (CIDU-QCPD), ang nagpakamatay na si Larry Lascano Balayo, walang trabaho at residente ng No. 48 Veronica St., Brgy. Gulod, Novaliches.

Siya ay natagpuang may tama ng bala ng cal. 45 colt pistol sa kaliwang dibdib sa silid ng kanyang anak na nasa kostudya ng kanyang asawang nakilalang Janet, na naninirahan sa Lot 20, Blk. 5, Tupaz St., City Plaza Complex 3, Brgy. Talipapa ng nasabing lungsod.

Sa inisyal na imbestigasyon ni SPO1 Ronnie Ereno, ng CIDU-QCPD, dakong alas-11:00 ng gabi nitong Miyerkules, ay dumalaw ang biktima sa bahay ng kanyang dating misis at pinayagan naman nitong matulog muna sa silid ng kanilang anak dahil gabi na.

Pumasok naman ang biktima sa silid ng kanyang anak at dahil sa hindi pa siya makatulog ay nakipag-text siya sa kanyang misis na nasa kabilang kuwarto lamang, subalit nag-away pa rin sila sa pagpapalitan ng text messages.

Sa pahayag ni Janet habang mainitan ang pagtatalo nilang mag-asawa sa text, ay bigla na lamang umanong umalingawngaw ang putok ng baril mula sa kabilang silid.

Sa takot niya ay tinwagan umano ni Janet ang kanyang kapatid na nakilalang Rodel Diaz Ngo na agad namang dumating at pagpasok umano niya sa nasabing silid ay bumungad sa kanya ang duguang katawan ng biktima na may hawak pang baril.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?