788

Nov 4, 2017 @ 16:48

Mister nabitin kay misis, nag-suicide

Nagpatiwakal sa pamamagitan ng pagbigti sa sarili ang isang driver matapos umanong tumangging makipagtalik ang kanyang asawa sa loob ng kanilang tahanan sa Quezon City kahapon ng umaga.

Kinilala ang biktima na si Gary Andes, 38, may-asawa, residente ng No. 225 Lot 16, Phase 8, Path St., North Fairview, QC.

Sa inisyal na imbestigasyon ni PO1 Christian Loyola, ng Quezon City Police District-Criminal Investigation and Detection Unit (QCPD-CIDU), natagpuan ang biktima sa second floor ng kanilang bahay sa No. 225 Lot 16, Phase 8, Path St., North Fairview, QC dakong alas-singko ng madaling-araw.

Sinabi sa ulat ng pulisya na nitong nakalipas na Nobyembre 1, 2017 nagkaroon umano ng hindi pagkakaunawaan ang biktima at asawa nito na si Maricris matapos umanong tumangging makipagtalik ang huli (misis) sa mister nito.

Labis umanong dinamdam ng biktima ang hindi nila pagkakaunawaang mag-asawa.

Kahapon ng madaling-araw nagtungo ang asawa ng biktima sa ikalawang palapag ng kanilang bahay para pumunta sa loob ng kanilang kuwarto at laking gulat nito nang makita ang kanyang mister na nakabigti gamit ang electrical wire na ipinulupot sa kanyang leeg.

Tumanggi na rin ang misis na ipa-awtopsiya pa ang kanyang mister dahil kumbinsido umano itong nagpakamatay ang asawa. (Dolly B. Cabreza/With trainee Bridgette Caminoc)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?