128

Mister na nangtsap-chop sa misis, inihiwalay ng selda

Sharing is caring!

Nagsilbing banta si Orlando Estrera sa kanyang mga kapwa detenido sa kulungan.

Ito ang dahilan kaya’t inihiwalay at walang kasama sa selda ng District Criminal and Detection Unit sa Camp Karingal sa Quezon City si Estrera.

Si Estrera ang umamin na pumatay sa kanyang misis sa pamamagitan ng pagtsap-chop sa katawan nito at kumain sa laman-loob dahil diumano sa matinding selos.

Hinahamon umano ni Estrera ang mga kapwa detenido at nagpapakita pa ito ng sintomas na wala sa katinuan.

Hindi pa rin pinagsisisihan ni Estrera ang karumal-dumal na pagpatay sa kanyang asawa.

Nabatid na wala pa ring committment order mula sa korte para mailipat sa ibang kulungan ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong parricide.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?