7
orlando-estrara
By

Mister na nangtsap-chop, kumain sa misis ‘di pinagsisihan ang nagawa

Sharing is caring!

Ito ang naging tugon ng 43-anyos na si Orlando Estrera, ang lalaking umamin na pinagpira-piraso niya ang kanyang misis bago kinain pa ang ilang bahagi ng katawan sa kanilang bahay sa Barangay Holy Spirit sa Quezon City.

Kanina ay binasahan ng sakdal sa kasong parricide si Estrera sa Quezon City Hall of Justice kaugnay sa brutal na pagpatay sa kanyang asawang si Heide noong Marso 17.

Nabatid na tumanggi pa ito na makipag-usap sa kanyang abogado mula sa Public Attorney’s Office (PAO).

Nagsalita lang ito nang tanungin ng hukom ukol sa kanyang kaso at sinabi nito na naiintindihan niya ang kasong isinampa laban sa kanya.

Idinagdag pa ni Estrera na alam din niya na maaari siyang mabulok na sa kulungan, ngunit matigas pa rin nitong pinanindigan na hindi niya pinagsisihan ang ginawa sa kanyang misis.

Nang maaresto si Estrera sinabi nito na inunahan na niyang patayin ang kanyang misis kaysa sila ang unang patayin nito dahil isa ito aniyang demonyo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?