62
orlando-estrara
By

Mister na kumatay sa misis, kinasuhan na ng parricide

Sharing is caring!

Sinampahan na ng kasong parricide sa Quezon City Regional Trial Court (QCRTC) ang mister na nagtsap-chop sa kanyang misis matapos ang masusing ebalwasyon at ebidensiyang iprinisinta sa piskalya sa nabanggit na lungsod nitong Linggo ng hapon.

Ayon kay Assistant City Prosecutor’s Nicasio Rosales, may ‘probable cause’ para iakyat sa korte ang kasong parricide laban sa suspek na si Orlando Estrera, 43-anyos, na responsable sa karumal-dumal na pagpatay sa kanyang misis na si Heidi Estrera, 46, head maintenance ng Sister of Mounth Carmel Catholic School, na residente ng Blk 4, Lot 7, Saint Michael St., Republic Avenue, Brgy. Holy Spirit, Quezon City.

“After carefully evaluating the piece of evidence presented, found probable cause and recommended for the filling of case as charge the suspect,” ayon kay Fiscal Rosales.

Nabatid na ang karumal-dumal na krimen ay naganap dakong alas-singko ng hapon noong Linggo sa loob ng tahanan ng mag-asawang Estrera.

Sa imbestigasyon, lumitaw na negatibo sa paggamit ng droga ang suspek pero wala ito sa katinuan ng pag-iisip nang isagawa ang “pagkatay” sa kanyang misis.

Nadiskubre ng mga awtoridad na bukod sa pinagputol-putol ang katawan ng biktima ay tinanggalan pa ito ng lalaki ng mukha at dibdib, biniyak ang tiyan hanggang sa maselang bahagi ng katawan, pinutol ang magkabilang kamay at paa, biniyak ang ulo at kinain ang utak.

Lantarang inamin ng mister na nagawa niyang biyakin ang tiyan ng kanyang misis dahil sa pag-aakalang nagdadalantao ang biktima.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?