2,066
watching-sex-scandal
By

Mister kalaboso sa sex video kasama ang kabit

Kulong ang isang mister matapos saktan ang asawa nang mabuking ng huli ang sex video ng lalaki kasama ang kabit nito, kamakalawa ng gabi sa Marikina City.

Nakilala ang salawahang mister na si Rolan Alcover y Unabia, nasa hustong gulang at residente ng Paradise Road 3, Malanday, Marikina City na nakakulong ngayon sa Marikina detention cell sa kasong paglabag sa RA 9262 o the anti-violence against women and their children act of 2004 at physical abuse.

Batay sa report, agad na humingi ng tulong sa mga opisyal ng Barangay Malanday ang biktima na si Clarissa Alcover y Ramos dahil sa pananakit sa kanya ng mister makaraang mabuking ang sex video na nakalagay sa cellphone ng asawa.

Ayon sa biktima, naganap ang pananakit ni Rolan bandang alas-9:30 ng gabi sa loob ng kanilang bahay sa Ubas St., Paradise Road 3, Malanday, nang komprontahin nito ang asawa sa nakitang sex video.

Nagkaroon sila ng mainitang pagtatalo na nauwi sa pananakit ng nabuking na lalaki.

Itinulak umano siya ng mister, tinakpan ang bibig at pinagsasampal. Agad na nakalabas ng bahay ang biktima at humingi ng tulong sa kalapit na barangay kung saan siya nagsumbong sa PCP-4.

Kasama ang pulis na si PO1 Gerald Aquino at barangay tanod na si Marvin Gacilo at Denoso, inaresto ang mister sa kasong pananakit sa asawa habang nakahanda naman ang misis nito na magsampa ng kaso laban sa pangangaliwa ng mister.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?