25

By

Mistaken identity sa Fr. Nilo case, hindi kasalanan ng PNP – Albayalde

Sharing is caring!

Iginiit ni Philippine National Police (PNP) Chief Police Director Gen. Oscar Albayalde na hindi kasalanan ng kanyang mga tauhan ang nangyaring mistaken identity sa isa sa hinuling umano’y suspek sa pagpatay kay Father Richmond Nilo na si Adell Roll Milan.

Ayon kay Albayalde, nakabase lamang ang mga imbestigador sa pahayag ng altar boy sa pag aresto at pagsasampa ng kaso sa napagkamalang suspek na si Milan.

Sinabi pa nito na kaya nga hindi tumitigil ang imbestigasyon noon kahit naaresto at nakasuhan na si Milan.

“It’s not us who gave the mistaken identity, it’s the altar boy kasi hindi kami ang may kasalanan dito, kasi wala kaming control over the altar boy,” sabi ni Albayalde.

Sinabi pa ng hepe, na dapat pa nga raw purihin ang naging aksyon ng kanyang mga tauhan sa pag-iimbestiga sa kaso.

Matatandaang una nang sinabi Albayalde na hindi “fall guy” si Milan nang maaresto ito noong Hunyo 15, 2018. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?