46

By

‘Mission: Impossible – Fallout’ ni Cruise sumipa sa opening sa PH

Sharing is caring!

Binura ng pinakabagong pelikula ni Tom Cruise na “Mission: Impossible – Fallout” ang sarili nitong record sa box-office sa Pilipinas.

Limang araw mula nang magbukas ay agad sumipa ang kinita ng ika-anim na installment ng epic action-adventure sa P120.7 milyon mula July 25-29 at natabunan ang dalawang records nito.

Ito na ang All-Time Biggest Opening Weekend kung saan bida si Cruise habang Biggest Opening Weekend para naman sa “Mission: Impossible” series.

Kinabiliban umano ng mga manonood sa “Fallout” ang mga totoong stunts na ginawa ni Cruise na hindi sumandal sa special effects. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?