22

Jul 21, 2021 @ 15:17
By

Mission accomplished: Hamon ni Kobe, tinapos ni Giannis

Tinupad ni Giannis Antetokounmpo ang kahuli-hulihang hamon sa kanya ni NBA legend Kobe Bryant.

Noong 2017, lumabas ang pagiging competitive ni ‘Greek Freak’ nang tanungin niya ang Lakers superstar kung anong gusto niyang ipagawa sa kanya.

Tumugon naman si Kobe, sinabing dapat ay maging MVP si Giannis.

Dalawang taon ang lumipas, sinungkit ni Antetokounmpo ang kanyang unang MVP trophy, kaya naman may bagong hamon si Bryant sa NBA superstar.

At ito ay ang sumungkit ng NBA championship trophy.

Ngayong Miyerkoles, oras sa Pilipinas, natapos na ni Giannis ang challenge ni Kobe, extra pa ang Finals MVP sa mala-Mamba na performance matapos kumolekta ng 50 points at 13 rebounds para sa kampeonato.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?