219
missile
By

Missile attack ng Yemen rebels sa Saudi, kinondena ng DFA

Sharing is caring!

Nakiisa ang pamahalaang Pilipinas sa pagkondena sa missile attacks sa Saudi Arabia.

Ang missile attacks ay kagagawan ng rebeldeng grupo sa Yemen na Houthi Shiite.

Sinabi ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano na hindi lang ang mga mamamayan ng Saudi ang nanganganib sa missile attacks kundi pati na ang libo-libong mga Filipino at iba pang dayuhang nagtatrabaho roon.

Batay sa report ng Philippine embassy sa Riyadh, pinuntirya ng ballistic missile ng Houthi rebels ang pasilidad ng Ministry of Defense ng Saudi Arabia.

Pinuntirya rin umano ang imbakan ng langis sa mga lalawigan doon ng Najran at Jizan.

Matagumpay na na-intercept ng mga awtoridad ng Saudi ang ballistic missiles.

Ayon kay Cayetano, sinabihan na ang mga Filipino roon na kumalma pero manatiling alerto.

Sa ulat ng embahada, 374,495 ang mga Filipino sa Riyadh, may 7,850 sa Najran at may 15,700 sa Jizan.

Ikaapat na iyong tangkang pambobomba sa Riyadh sa nakalipas na limang buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?