8

Aug 3, 2021 @ 13:35
By

Miss World Philippines coronation night suspendido dahil sa ECQ

Ipagpapaliban muna ang coronation night ng Miss World Philippines pageant na dapat sanang gaganapin sa darating na Agosto 8.

Ito ay matapos iaununsyo ng pamahalaan na isasilaim ang Metro Manila sa enhanced community quarantine mula Agosto 6 hanggang 20.

“ANNOUNCEMENT: Miss World Philippines 2021 Coronation Night is still postponed in compliance with the government and IATF’s stricter ECQ restrictions in NCR. Stay safe everyone!”

“The Miss World Philippines Organization has decided to postpone its coronation night indefinitely, until further notice,” saad sa kanilang pahayag na ibinhagai nila sa Instagram.

Una nang naipagpaliban ang naturang event noong Hulyo 25 kung saan pumili ang 45 kandidata ng magiging kinatawan ng bansa sa Miss Supranational beauty pageant na gaganapin sa Poland.

Kasalukuyang wala pang itinakdang petsa kung kailan itutuloy ang naturang event.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?