26

Sep 19, 2021 @ 16:27
By

Miss World PH coronation night nausad ulit

Muling naantala ang coronation night ng Miss World Philippines 2021 na naka-schedule sana sa ngayong Linggo.

“The Miss World Philippine 2021 Coronation Night will not push through on September 19, as reported in some media outlets,” saad sa social media post ng Miss World Philippines.

“The MWP Organization has yet to confirm the final coronation night date and venue, pending government and IATF mandate regarding current COVID-19 scenario,” dugtong pa nito.

Nakatakda sanang idaos ang coronation night sa SMX Convention Center sa Olongapo City.

Unang nai-set ang coronation night noong Hulyo 11, naging Hulyo 25 at nausad pa hanggang Agosto 8 ngunit ‘di pa rin matuloy bunsod ng pandemya.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?