51

Oct 5, 2021 @ 10:53
By

Miss World PH 2021 Tracy Perez sugatan sa pagkahulog sa stage

Inamin ni Miss World Philippines 2021 Tracy Perez na nagtamo siya ng maraming sugat mula sa dalawang beses na pagkakabalentong niya sa coronation night ng pegaent nitong Linggo.

“Actually madami po akong sugat-sugat ngayon because of my fall,” anang Cebuana beauty queen.

“But sinabi ko na lang masugatan na ako kahit ilang sugat, happy pa rin ako kasi nakuha ko pa rin ‘yung crown.”

Dalawang beses kasing dumausdos sa sahig ang dalaga; una ay bago ang crowning moment at pangalawa ay ang pagkatapos niyang makoronahan.

Nakatakdang irepresenta ni Tracy ang ‘Pinas sa 70th Miss World pageant na gaganapin sa December sa Puerto Rico. (VA)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?