76

By

Miss Vietnam H’Hen Nie rarampa sa Bikol

Nasa Pilipinas ngayon si Miss Universe Vietnam H’Hen Nie, isa sa mga mahigpit na nakalaban ni Catriona Gray sa Miss Universe 2018, na ginanap sa Bangkok, Thailand.

Well, hindi nga lingid sa kaalaman ng lahat na isang Pinoy rin ang nag-train kay Miss Vietnam sa pagsali nito sa Miss Universe.

At ito nga ang dahilan kung bakit siya nandito ngayon sa Pilipinas.

Kahapon (Friday) nang umaga nga dumating sa Pilipinas si Nie, at makikita nga sa Facebook account ni Anjo Santos, founder ng Modelo Bikolano (International Trainer).

Heto nga ang Facebook post ni Anjo:

“Hello welcome to the Philippines. Miss Vietnam. H hen Nie. Miss Universe top 5. See u Naga City.”

Ramdam na ramdam nga ang pagmamahal ng mga Filipino kay Miss Vietnam sa mga photo na ‘yon, dahil halos lahat ay nagsasabi na gusto nilang magkaroon ng ‘selfie’ kay Miss Vietnam.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?