523

Nov 15, 2018 @ 16:49
By

Miss Universe PHL 2018 Catriona Gray, sumalang sa HIV test

Nagpakita ng pagiging magandang halimbawa si Miss Universe Philippines 2018 Catriona Gray matapos nitong magpa-HIV test.

Sa ibinahagi niyang video, ipinakita ni Catriona ang naging karanasan niya sa isang klinika kung saan siya sumalang sa HIV testing.

“I’ve never been tested before, so this is a completely new experience for me. But I want to show you all that it’s a safe space and it shouldn’t be scary and that if I can do, you can do it,” ani Catriona.

Kinuhanan si Catriona ng patak ng dugo, na ayon sa beauty queen, ay hindi naman masakit.

Matatandaang nauna nang hinikayat ni Health Secretary Francisco Duque ang publiko na magpa-test dahil sakali man umanong magpositibo ang mga ito ay handa ang DOH na bigyan sila ng counseling at anti-retroviral treatment.

Batay sa datos mula sa DOH, nasa mahigit 55,000 Filipino ang na-diagnose na may HIV mula Enero 1984 hanggang Mayo 2018.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?