21

Jun 9, 2021 @ 22:13
By

Miss Universe Philippines wala nang height requirement

Nagulantang ang mga netizen matapos mapansing wala na sa list of qualification ng Miss Universe Philippines ang height.

Sa Facebook page, inilista ng organization ang ilang requirements para ma-qualify sa 2021 batch ng Miss Universe Philippines.

Kabilang doon ang pagiging Filipino citizen at Philippine passport holder.

Dapat ding at least 18 years old at under 28 years old at the time of the pageant; babae; hindi pa kasal o hindi pa nanganganak ang mga aplikante.

No minimum height requirement, sabi pa sa post ng Miss Universe Philippines.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?