23

Oct 27, 2020 @ 15:36
By

Miss Universe PH fan ng BL

Gustong bumisita sa Thailand ni Miss Universe Philippines 2020 Rabiya Mateo.

Nanonood kasi aniya siya ng Boys’ Love (BL) series at gusto niyang maranasan ang kultura doon.

“I’ve never been outside of the country so I feel like when everything is back to normal, I want to travel to Thailand,” sambit ni Rabiya sa GMA News Online.

“I have been watching that Boys’ Love series and I want to experience their culture,” aniya pa, rinig sa boses ang excitement.

Matatandaang this year pumatok sa mga Pinoy ang Thai BL series na “2gether,” na nagresulta sa sunud-sunod na paggawa at pagpapalabas ng mga Pinoy BL gaya ng “Gameboys” at “Hello, Stranger.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?