8

Sep 28, 2020 @ 10:46
By

Miss Universe PH candidate sapul ng COVID

Kahit ginawa naman lahat ng mga safety precaution ay hindi pinalampas ng coronavirus maging ang isang kandidata sa Miss Universe Philippines 2020 beauty pageant.

Binahagi ni Maria Isabela Galeria, isang registered nurse, ang balita sa Instagram kahapon.

“With so much sadness in my heart, I regret to inform you that I tested positive for COVID-19 rtPCR. This news breaks my heart deeply and I apologize if ever I put you at risk,” sey ni Galeria, na taga-Sorsogon.

“We followed and did all the safety precautions to safeguard from the infection, however it still found us…I ask whoever came into close contact with me to please inform your City/Municipal Health Officers and their team to check on your condition. Hoping that I did not pass on to you the virus.”

“I am truly, deeply sorry,” aniya pa, Setyembre 27.

Ito ang unang beses na hinayag ng isang kalahok sa national pageant na nagpositibo siya sa COVID-19.

Samantala, magaganap ang grand coronation night para sa unang edisyon ng Miss U PH sa Oktubre 25 sa Mall of Asia Arena.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?