267

By

Miss Universe 2020 Pinay ulit! – mga netizen

Hindi nadismaya ang mga netizen dahil nanalo ang kanilang top pick na si Miss South Africa Zozibini Tunzi bilang Miss Universe 2019, at sinabing nararapat siyang successor ni Filipina beauty queen Catriona Gray.

Kinoronahan bilang 68th Miss Universe si Tunzi sa Tyler Perry Studios sa Atlanta, Georgia ngayong Lunes, Disyembre 9, 2019.

1st runner up naman si Miss Puerto Rico Madison Anderson, habang 2nd runner up si Miss Mexico Sofia Aragon.

Tuwang-tuwa ang mga manonood at sinabing well-deserved ang pagkapanalo ni Zozibini.

Unang beses nangyari sa Miss Universe pageant na dalawa ang Q&A portion: isa para sa Top 5, at isa para sa Top 3 contestants.

Samantala, prediction ng publiko, mula sa Pilipinas ang mananalo sa 2020 Miss Universe dahil ngayong Disyembre 2019, kinoronahan ng Miss Philippines (Catriona) si Miss South Africa (Zozibini).

Baligtad itong scenario noong nakaraang taon, kung saan kinoronahan ng Miss South Africa (Demi-Leigh Nel-Peters) si Miss Philippines (Catriona).

Ang selection committee para sa Miss Universe 2019 competition ay sina Paulina Vega, Sazan Hendrix, Cara Mund, Bozoma Saint John, Riyo Mori, Crystle Stewart at Gaby Espino.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?