87

Oct 25, 2020 @ 20:34
By

Miss U Taguig: Hindi mandaraya mga tunay na reyna!

Patuloy ang bakbakan kahit tapos na ang 2020 Miss Universe Philippines!

Nitong Linggo ay nambulaga si Miss U Taguig Sandra Lemonon matapos na sabihing may malaking pasabog siya na ibubunyag sa mga susunod na araw.

Ito’y matapos na makoronahan bilang Miss Universe Philippines si Iloilo beauty Rabiya Mateo.

Sey ni Lemonon, nais nila ng hustisya at lagi din daw lumalabas ang katotohanan.

Hindi naman nagpahuli si Miss Universe PH pageant director Shamcey Supsup, na tila sinagot ang mga paratang ni Lemonon at nagpatama na dapat ay tanggapin na lang nito ang pagkatalo.

Ayon kay Shamcey, “To bear defeat with dignity, to accept criticism with poise, to receive honors with humility — these are the marks of a true QUUEN.”

Ayaw paawat ng Taguig bet, sinabi na ang tunay na reyna ay hindi dapat mandaraya, na posibleng patama naman sa nanalong Miss Universe PH.

“But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR [and] don’t CHEAT,” giit naman ni Lemonon.

Matatandaan na may ilang nag-aakusa na may sinamang HMUA (hair makeup stylist) si Mateo sa kompetisyon kahit pinagbabawal ito sa pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?