86

Oct 26, 2020 @ 19:43
By

Miss U PH nagsalita na sa akusasyong nandaya

Naging emosyonal si Rabiya Mateo nang sagutin ang mga akusasyon kaugnay sa pagkakasungkit niya sa korona ng Miss Universe Philippines 2020 pageant noong Linggo.

Sinagot niya ang akusasyon na may alam na raw siya sa mga itatanong sa final round ng pageant pero hindi direktang sinagot ang tungkol sa pagdadala niya ng sariling glam team.

“To be honest po, maybe I wasn’t a frontrunner so people didn’t expect me to win. And now that I have the crown… I’m sorry, I’m being emotional,” sambit ni Mateo sa virtual interview ni TV5 reporter Mj Marfori.

“They’re questioning my capability as a person, as a candidate… But I know that I did everything and anything that I could during that night, and ibinigay ko talaga.

“And ‘yung mga nagsasabi na the question was given to me that’s why I answered that way, it wasn’t given po sa akin. I did everything that I could because I want to make Iloilo City proud,” giit niya.

Aminado si Mateo na nasaktan siya sa mga bintang laban sa kanya pero mas pipiliin na lang niyang intindihin ang mga iyon.

“Of course it was painful because there are things na you can settle by talking with each other… At the end of the day, this is a competition. And being the bigger person in the picture, I need to understand where they are coming from,” sambit niya.

Magugunitang nag-trending sa Twitter si Miss Taguig Sandra Lemonon matapos mag-post ng mga misteryosong mensahe.

Kabilang sa mga post niya ang: “Get ready loves, tomorrow I will be announcing big news, it’s time to be honest & speak facts.”

“The truth always comes out. It’s just about timing. Karma is real soon. Because we deserve justice,” sabi pa niya.

“Accepting defeat graciously is one of many mark of being a queen. But what you forgot to say is that REAL queens play FAIR don’t CHEAT,” aniya sa sumunod na post.

Ilang netizen ang naniniwala na patama iyon ni Lemonon sa bagong Miss Universe Philippines na si Mateo ng Iloilo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?