99

Nov 23, 2021 @ 21:28
By

Miss U PH crown may sumpa?

Lumutang ang teorya na may sumpa sa love life ang pagwawagi bilang Miss Universe Philippines.

Kasunod ito ng break-up ng Miss U PH 2021 na si Beatrice Gomez sa kanyang longtime girlfriend na si Kate Jagdon.

Sa Instagram Stories niya nitong Nov. 23, sinabi ni Kate na hiwalay na sila ni Bea matapos ang kanilang pitong taong relasyon.

Marami ang nalungkot dito.

Ilang netizen ang nag-espekulasyon na baka may sumpa ang pagiging MUP winner sa mga “in a relationship”.

Ang mga nakalipas kasing MUP winner na sina Rabiya Mateo at Catriona Gray, nahiwalay din sa kani-kanilang nobyo.

@Servera_erjhell: “Miss Universe curse?? Every year nalang.”

@juanderpet_: “Miss Universe curse is real.”

@naughty_arabian: “The Miss Universe PH curse lives on!”

@lianymi: “The miss universe curse strikes again.”

@jerrymiecachero: “…and the miss universe curse continues :(((.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?