603

Oct 25, 2020 @ 19:34
By

Miss U Manila viral sa tomaan

Bigo mang makapasok sa Top 5, gumawa pa rin ng ingay sa social media si Miss Universe Manila Alexandra Abdon.

Una nang pinag-usapan si Alexandra dahil sa kanyang preliminary interview kung saan napansin ng mga netizen ang kanyang pagiging kalog at totoo sa sarili.

Ngayon naman ay kumalat ang isang larawan kung saan nagsilbing ‘tagatagay’ sa inuman ang beauty queen.

Sa nasabing picture, tila may hawak na alak ang magandang dilag habang kasama ang ibang kandidata.

Natuwa ang mga netizen dahil sa pagiging chill ni Miss Manila sa kabila ng napakalaking sinalihang pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?