1,489

Miss U host Steve Harvey namali na naman ng tawag sa PH

Dahil sa teleprompter, nagkamali ng tinawag na pangalan si 2019 Miss Universe host Steve Harvey sa “Best National Costume,” at nadamay na naman ang Pilipinas.

Pinakita sa screen ang larawan ng P1-milyong eagle-inspired national costume ni Gazini Ganados, at dineklara siya bilang panalo sa nasabing kategorya.

“This is it right here,” hayag ni Harvey sa katabi niyang kalahok, si Shweta Sekhon, na ibang-iba ang costume at sinabing: “It’s not Philippines, it’s Malaysia.”

Agad namang nagpaliwanag si Harvey sa publiko.

“Let me explain something to you. I just read that in the teleprompter. Ya’ll got to quit doing this to me. I can read,” saad ng nainis na host.

“Now, they are trying to fix it now. See? This is what they did to me back in 2015 – played me short like that. That’s crazy,” hayag pa niya.

Sa unang part ng pageant, nagbiro si Steve tungkol sa pagkakamali niya sa 2015 Miss Universe, kung saan sinabi niyang nanalo si Miss Colombia Ariadna Gutierrez, na dapat ay si Miss Philippines Pia Wurtzbach.

Maraming manonood ang nagtaka, maging si Kapamilya host Bianca Gonzalez sa pagkakamali ni Harvey, at tinanong kung “prank” o “miscommunication” ang nangyari sa “Best National Costume” awarding.

“Wait sorry am still confused. So why did Steve Harvey announce that Philippines won Best National Costume, and it was Gazini in the photo on screen, but it was Malaysia who was physically beside him? Miscomm ba? Prank ba?,” usisa ni Bianca sa Twitter.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?