38

May 10, 2021 @ 8:54
By

Miss U Cameroon sobrang napamahal sa mga Pinoy

Ipinagmalaki ni Miss Universe Cameroon Angela Kossinda ang isang Pinoy college student na gumawa ng kanyang national costume.

Ayon kay Kossinda, ang disenyo ni Kennedy Jhon Gasper, 3rd year student sa 3rd year student, ay nirepresenta ang ‘legacy, culture and image’ ng kanyang bansa na Cameroon.

“Indeed a national costume represents your country’s legacy, culture and image. And to me the most important thing is to find someone who could best represent it in an outfit or costume no matter your origins. This is what we learn from beauty pageant—inclusion, tolerance, unity!” ayon sa Instagram post ng beauty queen.

Sey pa ni Kossinda, malaking tulong sa kanya ang mga Pinoy dahil Pilipino din ang kaagapay niya sa training para maging beauty queen.

“There’s a big love story between the Philippines, Filipino fans and me and that is since 2017,” saad ni Kossinda.

“Be aware my gowns as well are made by Filipino – I have been trained and mentored by Filipino too.”

Ang Pinoy student na si Kennedy ay nag-aaral ng Bachelor of Science in Fashion and Textile Technology, major in Fashion Designing.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?