abante-tnt-vismin-miss-universe
By

Miss U 2018, hindi na tuloy sa Pinas

Sharing is caring!

Kakulangan ng budget ang isa mga pangunahing idinahilan ni Tourism Secretary Bernadette Romulo-Puyat kaya’t hindi na maikukunsidera ang Pilipinas sa pagdarausan ng Miss Universe 2018.

Sinabi pa ni Puyat na kadaraos lang naman dito sa bansa ng taunang beauty pageant.

Aniya, walang sapat na pondo ang kagawaran para muling magdaos ng isang magarbong pandaigdigang pagandahan sa bansa.

Dagdag pa ng kalihim, makakabuti kung sa ibang programa na lang muna tututok ang kanilang ahensiya.

Noon lang 2016 nang ganapin sa bansa ang Miss Universe kung saan si Miss France Iris Mittenaere ang kinoronahan.

Ngayong taon, si Miss Universe Philippines Catriona Gray naman ang kakatawan sa Pilipinas sa taunang beauty pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?