18

By

Miss Saigon kinopya?

Sharing is caring!

Mas nagustuhan namin ang ‘Binondo: A Tsinoy Musical’ kesa sa ‘Maynila Sa Mga Kuko ng Liwanag: The Musical’ na parehong si Joel Lamangan ang direktor.

Gaya ng ‘Maynila’ ay mahaba rin ito, halos tatlong oras ito na puwede pang putulan para mas bumilis ang mga eksena.

Magaling naman sina David Ezra at Carla Guevara-Laforteza bilang Ah Tiong at Lily, pero sabi ng kaibigang Jerry Olea ay mas nahusayan siya at mas naramdaman niya sina Arman Ferrer at Shiela Valderrama-Martinez.

May love scene sina David & Carla at ang dami nilang laplapan scenes.

Magaling din si Noel Rayos bilang si Carlos na ka-love triangle nina Ah Tiong at Lily, habang si Ima Castro bilang Mrs. Dela Rosa ay agaw-eksena ang boses without her trying.

Ang gandang panoorin na dalawang dating nag-‘Miss Saigon’ sa London na sina Ima at Carla ang magkaeksena bilang mag-ina.

Actually, ang daming scenes sa musical play na ito na tila kinopya sa ‘Miss Saigon’ mula sa staging, blocking, pati sa choreography tulad nu’ng ‘Eternity’ na mala-‘Fall of Saigon’ at ‘Ang Bagong Tsina’ na mala-‘Morning of the Dragon’.

In fairness ay naluha kami sa isang touching scene sa may ending nang makilala ni Ah Tiong ang naging supling nila ni Lily na si Ruby. ()

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?