121

By

Miss Puerto Rico wagi sa Miss Supranational 2018, dyowa ng PBA veteran kinapos

Sharing is caring!

Hinirang na Miss Supranational 2018 si Miss Puerto Rico Valeria Latorre, samantalang hanggang top 10 ang inabot ng pambato ng Pilipinas na si Jehza Huelar.

Sa beauty pageant na ginanap sa Krynica-Zdroj, Poland, wagi si Miss Puerto Rico upang talunin ang 71 na ibang kandidata.

Ang iba namang may place din ay sina Fourth runner-up Miss Mexico Diana Romera, Third runner-up Miss Indonesia Wilda Octaviana, Second runner-up Miss Poland Magdalena Bienkowska at First runner-up Miss USA Katrina Dimaranan.

Ang mga nakasama naman ni Huelar, na girlfriend ng Magnolia Hotshots veteran na si PJ Simon, sa Top 10 ay ang mga pambato ng USA, Romania, Puerto Rico, Brazil, Indonesia, Poland, Mexico, Vietnam, at Venezuela.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?