66

May 17, 2021 @ 11:39
By

Miss Myanmar wagi sa national costume

Nawala man ang orihinal na costume ni Miss Myanmar ay naging sapat pa rin ang mensaheng gustong ihatid ni Thuzar Wint Lwin.

Wagi ang national costume ni Miss Myanmar, kung saan maraming fan ang bumilib sa kanyang #PrayForMyanmar slogan.

“We love the Myanmar costume. Well-deserved win especially considering the message behind it,” ayon sa host ng Miss Universe 2020.

Natuwa din si Miss Universe 2014 Paulina Vega sa pakikialam ng iba’t ibang kandidata sa mga mahahalagang social issue.

“I love how these delegates send important messages. I applaud that,” ayon kay Vega.

Nasa ilalim ng kudeta ang Myanmar matapos kontrolin ng militar ang nasabing bansa matapos manalo si Aung San Suu Kyi sa eleksyon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?