23

May 4, 2021 @ 17:07
By

Miss Mexico paboritong magwagi sa Miss U, Rabiya Mateo ‘di pahuhuli

Ilang araw bago ang inaabangang Miss Universe pageant sa Hollywood, Florida, USA ay kanya-kanyang pili na ang mga pageant experts kung sino sa mga kandidata ang malaki ang tsansang maiuwi ang korona.

At sa huling round ng survey na inilabas ng site na Missosology.org ay umangat si Miss Mexico Andrea Meza bilang top pick ng karamihan sa mga eksperto para sa darating na kompetisyon.

Ang panel ng Missosology ay binubuo ng mga batikang eksperto sa mga beauty pageant. Ayon sa isang miyembro ng panel, si Meza ay nagtataglay ng talino at mahusay na communication skills kaya’t nakikita nila ito bilang ang top contender sa darating na Miss Universe, na idaraos sa Mayo 17 (Philippine time).

Hindi naman papahuli si ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo, na sinungkit ang ika-apat na pwesto sa survey.

Kasama nila Mateo at Meza sa top 5 sa naturang survey ang mga pambato ng Peru, Jamaica, at India.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?