39

May 17, 2021 @ 12:04
By

Miss Mexico kinoronahang Miss Universe 2020

Itinanghal na Miss Universe 2020 si Andrea Meza ng Mexico sa naturang kompetisyon na ginanap sa Florida, USA nitong Lunes (Linggo sa Amerika).

Si Miss Universe 2019 Zozibini Tunzi ng South Africa ang nagputong ng korona kay Meza. Na-delay ang pagdaraos ng 2020 edisyon ng kompetisyon dahil sa pandemya.

Si Ms. Brazil Julia Gama naman ang 1st runner-up, habang si Ms. Peru Janick Maceta del Castillo ang 2nd runner-up.

Ang ika-apat na pwesto o 3rd runner-up naman ay iniuwi ni Ms. India Adline Castelino at ang 4th runner-up naman ay si Kimberly Jimenez ng Dominican Republic.

Ang mga nakasama naman nila sa Top 10 ay ang mga pambato ng Jamaica, Australia, Puerto Rico, Thailand, at Costa Rica.

Tumapos naman ang pambato ng Pilipinas na si Rabiya Mateo sa Top 21.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?