68

By

Miss Korea wagi sa Miss Supranational

Sharing is caring!

Si Jenny Kim ng Korea ang nanalo ng Miss Supranational 2017 crown. First runner up si Miss Colombia Martha Martinez, second runner up si Bianca Tirsin ng Romania, 3rd runner up si Miss Ethiopia Bitaniya Josef at 4th runner up si Larissa Santiago ng Puerto Rico.

Live na napanood sa Pilipinas via Facebook ang coronation night ng Miss Supranational 2017.

Nagtiyaga ang mga Pilipino na manood, kahit madaling-araw para makita nila ang performance ni Thomas na mas kilala pa rin bilang ex-girlfriend ni Jake Cuenca.

Nang hindi pumasok si Thomas sa Top 5, nilayasan na ng karamihan ang panonood dahil hindi nila masikmura ang kaartehan ng female host ng Miss Supranational 2017 na maraming paandar at may acting ang bawat kilos at pananalita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?