93

Dec 12, 2017 @ 12:19
By

Miss Jamaica bilib sa make-up impersonation sa kanya ni Paolo B

Mga beauty queen ng nakaraang Miss Universe 2017 ang napagtripan namang gayahin ni Paolo Ballesteros sa kanyang Instagram wall.

Nakapukaw na naman ng atensyon ang comedian-noontime show host sa make-up transformation niya kina Miss Columbia at Miss Jamaica.

Unang pinoste ni Paolo ang transformation niya kay Miss Columbia na si Laura Gonzales.

@pochoy_29 LAURA from COLOMBIA, #makeuptransformation #transformlangnangtransform #lauragonzales #colombia #missuniverse2017

Sumunod naman ay si Miss Jamaica.

@pochoy_29, DAVINA from JAMAICA! #makeuptransformation #transformlangnangtransform #DavinaBennett #Jamaica #missuniverse2017 @davina_bennett_.

Humakot agad ng mga comments mula sa maraming tiga-Colombia ang make-transformation na ito ni Paolo.

Ang ilan pinupuri si Paolo sa husay niya. At iba naman kahit may complimentary remarks sinasabi pa rin ng mga itong wala pa ring makakagaya sa kanilang beauty queen.

Pinupuri rin si Paolo sa panggaya niya kay Miss Jamaica. Katunayan, agad na nag-comment si Davina Bennett sa IG ng actor-impersonator.

@davina_bennette, “you naiiiiiled it!!” with matching heart at kissing emoticon.

Siyempre, nag-react naman si Paolo.

@pochoy_29, @davina_bennett_ yihiii!” with matching surprised at flying kiss emoticon.

Bukod sa make-up, naaliw din ang netizen sa panggaya ni Paolo sa dalawang beauty queen sa mga fake-silicon boobs nito.

Malap-pakwan sa laki ang boobs na ginamit ni Paolo sa itsura ni Colombia, na sa taas ng pagkakadikit nito halos umabot na ito sa kanyang balikat.

Mala-papaya namang pababa ang boobs na inilagay ni Paolo sa make-up transfo niya kay Miss Jamaica na hindi pantay ang bawat isa.

Nevertheless, winner pa rin sa lahat ang husay ni Paolo sa panggaya niya sa dalawang beauty queen.

Sinusulat ang item na ito, wala pang reaction o comment na pinoste si Miss Columbia kay Paolo. (Rey Pumaloy)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?