61

By

Miss International 2013 minolestiya ng pari, negosyante

Sharing is caring!

Ibinunyag ng beauty queen na si Bea Rose Santiago ang kanyang mga naranasang sexual harassment matapos ang naging paglantad ng mga Miss Earth candidate sa umano’y panghahalay ng isang sponsor.

Sa kanyang Facebook post, sinaad nito na isang pari ang nanghalay sa kanya, at hanggang ngayon ay nasa serbisyo pa rin sa Masbate.

“I was molested when I was a child by a priest. He is still preaching somewhere in Masbate,” pakli ni Santiago.

Isa rin umanong negosyante ang nanghawak sa kanya na tila may halong malisya/

“This guy is a well-known CEO of a big company (companies pa nga eh). He even organized parties for girls who didn’t win with his friends,” pahayag ng beauty queen.

“The next time I met him, I was a candidate and the organizers were there to see things thoroughly. He couldn’t interact with us because the chairwoman was present and also the chaperones.”

Nasaksihan din umano nito ang panghahalay ng isang politiko sa isang kandidata sa Kongreso o sa Senado.

“We were at the Congress or Senate when a queen was touched (her behind) while taking a photo,” ayon kay Santiago.

“She immediately told me (with a help me look) so I put my hand covering her back, protecting her from the ‘old well-known perv.’ We just won an international pageant, but still.”

Marami naman ang kinatigan ang katapangan ni Santiago sa matapang na pagpapahayag sa mga karanasan, at inaasahang makatutulong sa ilang mga sasali pa sa beauty pageant na ‘wag matakot magsalita.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?