195

By

‘Miss Granny’ ni Sarah G., nagtala ng record sa takilya

Nagtala ng record kahapon, Sunday, August 26 ang Pinoy version ng mega-hit na Korean movie na “Miss Granny” na pinagbibidahan nina Sarah Geronimo, James Reid, Xian Lim at Nova Villa.

“Miss Granny” is a co-production venture ng Viva Entertainment at N2 Productions and it posted the highest gross for a family drama yesterday. Humamig ito nang mahigit P20 million plus at the box-office for a single day.

Ang “Miss Granny” ay mula sa direksyon ni Bb. Joyce Bernal at adaptation ito ng 2014 “Miss Granny” na pinagbidahan ng Korean actress na sina Shim eun-kyung (young Miss Granny) at Na moon-hee (70-year old Miss Granny).

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?