7

Jan 15, 2021 @ 16:05
By

Miss Grand International pageant gaganapin sa Thailand

Inanunsyo sa opisyal ng Facebook page ng Miss Grand International na gaganapin ang kanilang pageant sa Thailand sa Marso 27.


“Official announcement Miss Grand International 2020!

#MGI
#Missgrandinternational
#Missgrandinternational2020
#Top3beautypageantoftheworld,” saad sa caption ng kanilang anunsyo.

Korona para sa taong 2020 pa rin ang paglalabanan ng mga kandidata dahil ipinagpaliban ito ng nakaraang taon buhat ng malawakang pandemya.

Kasalukuyang wala pang Pilipina ang nakabingwit ng korona sa naturang pageant.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?