Abante-VisMin-Radar-cynthia-thomalla

Miss Eco International Cynthia Thomalla, nakauwi na ng PHL

Sharing is caring!

Dumating na sa bansa tangan ang kanyang korona bilang Miss Eco International si Cynthia “Thia” Thomalla.

Umalis siya sa Egypt noong Martes ng gabi.

Pinasalamatan nito ang kanyang mga tagasuporta para tulungan siyang manalo sa paligsahan.

Si Thomalla ang unang Pinay na nanalo sa Miss Eco International na ginanap noong Abril 27 sa Cairo Opera House sa Egypt.

Naungusan niya para sa titulo si Miss Indonesia Astira Vernadeina, na tumapos na first runner-up.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?