58

By

Miss Earth president, VP lagot sa kumalat na number ni Miss Canada

Sharing is caring!

Pinagpapaliwanag ng National Privacy Commission (NPC) ang mga organizer ng Miss Earth 2018 dahil sa mga pribadong impormasyon na diumano’y kumalat ukol sa mga kandidata.

Sa naging liham ng NPC sa Carousel Productions, ang punong-abala sa Miss Earth 2018, at para rin kina President Ramon Monzon at Vice President Ms. Lorraine Shuck, dapat umanong magkaroon ng pananagutan ang mga ito dahil sa nangyaring insidente.

Ayon sa Data Privacy Act of 2012, ang mga nabanggit na opisyal ay itinuturing na personal information controller, at lahat ng data regulation ay dapat na dumaan sa kanila.

“As President, you are directly responsible for the compliance of Carousel Productions, Inc. with data privacy and protection laws. We understand that there are allegations that the mobile phone number of one of the contestants or “delegates” of the Miss Earth pageant have been disclosed without consent to a pageant sponsor” ayon sa pahayag ng NPC.

“Under the Data Privacy Act, all personal information controllers such as yourselves must abide by principles of transparency, legitimate purpose, and proportionality. Under these principles, data subjects such as the pageant delegates have the right to be informed of every aspect of how their data is to be processed, and the right to access this data,” dagdag pa sa pahayag.

Matatandaan na nagback-out si Miss Canada Jaime Yvonne Vandenberg dahil sa naging sexual harassment umano ng isang sponsor, na tinatawagan pa umano siya sa kanyang cellphone para kunin ang hotel at room number gayong hindi naman niya binigay ang kanyang numero.

Bibigyan ng limang araw ang mga nasabing opisyal para magpaliwanag sa nasabing isyu.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?